
Muling nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) na hindi nila tatanggapin sa voter registration ang barangay certificate of residency at cedula.
Sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia, na mayroon itong mga natanggap na impormasyon na may ilang barangay officials ang nagbibigay ng mga certificates sa mga indibidwal kahit hindi naman residente sa kanilang lugar.
Pinayuhan nito ang mga voter reigistration na gumamit ng valid identifiationgaya ng pasaporte, police clearance, National ID,postal ID, driver’s license at National Bureau of Investigation clearance.
--Ads--
Tatanggapin din ng Comelec ang mga library card, student ID at senior citizen’s ID na makikita ang mga pangalan ng aplikante, larawan at address.







