Nagsimula na ang direktang trilateral na pag-uusap ng mga opisyal mula sa United States at Iran kasama ang Pakistan sa Islamabad, ayon sa mga ulat.

Ayon sa mga opisyal, nauna nang nakipagpulong ang mga kinatawan ng Washington at Tehran kay Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif.

Bihira umano ang ganitong pagkakataon na napunta ang Pakistan sa sentro ng isang mahalagang internasyonal na diplomasya.

--Ads--

Bagama’t wala pang opisyal na detalye na inilalabas sa publiko, ngunit may mga planong pangkapayapaan na naipapakalat sa pamamagitan ng media.

Ayon sa isang diplomatic correspondent, kabilang sa mga pangunahing isyu na tinatalakay ang mga “sticking points” sa negosasyon, gaya ng kung kasama ba ang Lebanon sa kasalukuyang usapin ng ceasefire.

Patuloy namang inaabangan ang magiging resulta ng mga pag-uusap habang nananatiling limitado ang opisyal na impormasyon mula sa magkabilang panig.