Dagupan City – Naaresto ang isang 19-anyos na babae na residente ng Mangatarem, Pangasinan matapos itong masangkot sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Ayon sa ulat ng Mangatarem Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Arturo C. Melchor Jr., Chief of Police, isinagawa ang pag-aresto bandang alas-8:55 ng gabi noong Abril 10, 2026.

Ang nasabing batas ay naglalayong protektahan ang dignidad at pribadong buhay ng bawat indibidwal laban sa hindi awtorisadong pagre-record, pagkopya, o pagpapakalat ng maseselang larawan o video na may kaugnayan sa gawaing sekswal o pribadong bahagi ng katawan nang walang pahintulot.

--Ads--

Batay sa rekord, itinakda ang piyansa ng akusado sa halagang 42,000 piso.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangatarem Municipal Police Station ang nasabing indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda sa susunod na hakbang ng proseso ng batas.