Dagupan City – Isinagawa ang prepageant ng Ms. San Carlos City 2026 bilang bahagi ng mga paunang aktibidad bago ang grand coronation ng patimpalak.
Parte rin ito ng kanilang selebresyon sa taunang pista ng nasabing syudad na Mango Bamboo Festival.
Sa nasabing prepageant, dumaan ang mga kandidata sa apat na segment na kinabibilangan ng Denim Outfit, Resort Attire, Swimsuit, at Costume.
Layunin ng aktibidad na masuri ang personalidad, stage presence, at overall performance ng bawat kandidata bilang paghahanda sa final competition.
Naging pagkakataon din ito upang maipakita ng mga kalahok ang kanilang natatanging estilo at representasyon.
Samantala, ang Ms. San Carlos City 2026 grand coronation ay gaganapin ngayong gabi, Abril 9 ng alas-7 sa Arenas-Resuello Sports Gymnasium, kung saan pipiliin ang susunod na kinatawan ng lungsod.









