Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mga pet owner na priority ang alagang hayop kaysa sa sarili?
Ipinakita ng isang amerikano na si Stephen Leuer ang pagmamahal nito sa kaniyang pet parrot na si Bebe dahil tiniyak nitong hindi ito mapag-iiwanan sa kaniyang mga adventures.
Bagaman, hindi likas sa mga ibon ang makapag-diving, ginawan ni Leuer si Bebe ng sarili nitong submarine upang magkasama silang sumisisid sa ilalim ng karagatan ng Bahamas.
Ginawa ito ni Leuer gamit lamang ang ilang bagay na kaniyang natagpuan sa sariling pamamahay; isang transparent food container.
Nilagyan niya ito ng dalawang air pipes sa loob na may kasamang valve at compressed air cylinder para makahinga pa rin si Bebe habang sila ay nasa ilalim ng karagatan.
Namomonitor naman ni Leuer ang kaligtasan ni Bebe gamit ang oxygen sensor at may alarm ito sa loob.
Nagsagawa din si Leuer ng test swim sa kanilang palikuran bago ang kanilang pagsisid sa Bahamas.
Samantala, hindi naman ito ang kauna-unahang extreme advenure ni Bebe dahil nakasama na siya ng kaniyang amo sa 15 parachute jumps.










