Dagupan City – Nagsagawa ng church visitation ang mga tauhan ng Bugallon Police Station sa pangunguna ni PMAJ Rodolfo S. Labayo Jr., OIC, bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ngayong Semana Santa.

Kabilang sa binisita ng kapulisan ang Our Lady of Lourdes Parish Church at St Andrew Catholic Church sa nasabing bayan upang maiwasan ang anumang posibleng krimen at matiyak ang kaligtasan ng mga nagsisimba.

Isinagawa rin ang monitoring at pakikipag-ugnayan sa mga church officials upang mapanatili ang kaayusan sa loob at paligid ng mga simbahan, lalo na sa pagdagsa ng mga deboto ngayong Mahal na Araw.

--Ads--

Kasabay nito, pinaalalahanan ni PMAJ Rodolfo S. Labayo Jr., OIC ang publiko na manatiling mapagmatyag, tiyaking ligtas ang kanilang mga personal na gamit, at sumunod sa mga ipinatutupad na safety protocols habang dumadalo sa mga religious activities.

Patuloy naman ang pagbabantay ng Philippine National Police sa Bugallon upang masiguro ang isang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Semana Santa sa bayan.