Dagupan City – Nanawagan si Laoac Mayor Ricardo Balderas sa mga gasoline station sa kanilang lugar na magbigay ng konsiderasyon at rasyon ng gasolina para sa mga magsasaka.

Ayon sa alkalde, tumatanggi umano ang ilang gasoline station na magbenta ng gasolina sa mga gumagamit ng container. Gayunman, iginiit ni Balderas na dapat payagan ang mga ito dahil karamihan sa kanila ay magsasakang nangangailangan ng suplay para sa kanilang mga sakahan.

Dagdag pa niya, karaniwang nasa 20 litro ang pinakamababang dami ng gasolina na ibinebenta, na nagiging pabigat sa mga magsasaka lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

--Ads--

Umaasa rin si Balderas na agad nang matatapos ang tensyon at giyera sa Middle East upang muling bumaba at maging normal ang presyo ng langis sa merkado.