DAGUPAN CITY- Nagsimula nang magpatupad ng taas-pamasahe ang mga bus dahil sa patuloy na pagtaas ng presyong petrolyo dulot ng giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Gerry Baoing, terminal master, umakyat na sa 30.35% ang idinagdag na pamasahe at ang kada kilometro ay may itinaas na 2.70%.

Aniya, umaabot na sa P683 ang pamasahe mula Dagupan City patungong Pasay City, sa Metro Manila.

--Ads--

Umaabot naman sa 1 oras at 30 minuto ang kanilang interval sa bawat byahe.

Nagpatupad din ang kanilang kumpanya ng apat na restday sa bawat drayber at kundoktor.

Bagaman hindi nila ito kagustuhan subalit, ito lamang ang paraan upang kumita pa rin sila bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Saad ni Baoing, samu’t sari na rin ang reaksyon ng mga mananakay hinggil dito.