Dagupan City – Naaresto ang isang 48-anyos na babae sa naganap na buy-bust operation sa Barangay Mayombo sa lungsod ng Dagupan.

Pinangunahan ang operasyon ng Dagupan City Police Station 2 kasama ang mga tauhan ng ilang yunit ng kapulisan katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.

Nagresulta ito sa pagkakahuli ng suspek at pagkakasamsam ng hinihinalang ilegal na droga kung saan nakumpiska dito ang nasa 1.3 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa dalawang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na may tinatayang street drug price na P8,840.

--Ads--

Kinilala ang suspek bilang residente ng bayan ng Mangaldan.

Kasama pa sa mga narekober na ebidensya ang isang lehitimong perang P500 na may marka, tatlong pirasong bogus na tig-P1,000 pesos na ‘boodle money,’ isang unit ng cellphone,” at iba pa.

Kasalukuyang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang mga awtoridad sa pagsusulong ng kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.