Dagupan City – Nagsagawa ng crop cutting at monitoring ang Department of Agriculture Regional Field Office at University of the Philippines Los Baños–Institute of Crop Science sa mga palayan sa Barangay Inlambo at Macayug, Mangaldan, Pangasinan, upang suriin ang resulta ng paggamit ng Multi-Purpose Seeder.
Tatlong magsasaka mula sa dalawang barangay ang kalahok sa proyektong Higher Productivity and Efficiency through Diversification and Mechanization in Rice-Based Areas, na sinimulan noong Hunyo 17.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, inaasahang aanihin sa susunod na linggo ang mga palay na saklaw ng proyekto, na mapupunta sa tatlong benepisyaryong magsasaka.
Patulot na sinusuri ang posibleng pakinabang ng paggamit ng makinarya sa pagtatanim, kabilang ang pagpapabilis ng trabaho at pagbabawas ng gastusin sa bukid.
Gayunman, kailangan pa ring suriin ang aktuwal na ani at gastos upang matukoy kung gaano kalaki ang maitutulong ng Multi-Purpose Seeder kumpara sa tradisyonal na paraan ng pagtatanim.
Samantala, sinabi ng lokal na pamahalaan na sisikapin nitong asikasuhin ang mga kinakailangang dokumento upang mapag-aralan ang pagbibigay ng naturang makinarya sa iba pang nangangailangang magsasaka.
Hindi pa tinukoy kung ilan ang posibleng makinabang sa susunod na yugto ng programa o kung kailan ito maisasakatuparan.










