Dagupan City – Pinaigting ng Santa Barbara Municipal Police Station ang pagbabantay sa mga paaralan sa bayan sa pamamagitan ng school visitation at police presence upang makatulong na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga kawani ng paaralan.
Isinagawa ng mga tauhan ng pulisya ang pagbisita sa iba’t ibang paaralan sa Santa Barbara, Pangasinan, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Michael S. Datuin, hepe ng nasabing himpilan.
Layunin ng aktibidad na maiwasan ang posibleng paglitaw ng mga krimen sa paligid ng mga paaralan, gayundin ang mapalakas ang presensya ng mga pulis upang makatulong na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lugar.
Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng Santa Barbara Municipal Police Station na makipagtulungan sa mga institusyong pang-edukasyon para sa kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, layon ng pulisya na mapigilan ang mga posibleng banta sa seguridad at makatulong sa pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa mga paaralan at sa buong komunidad.










