Sinubok ang dose-dosenang mag-asawa at kasintahan sa England ang kanilang relasyon sa paglahok sa taunang “wife-carrying” contest.
Tiwala ang pinanghawakan ng mga lumahok habang magkabaliktaran binuhat ng mga kalalakahihan ang kanilang mga life-time partners at nakikipag-unahan pababa sa gilid ng burol o hillside.
Ang mga lumahok ay may kaniya-kaniyang kakaibang costumes.
Kinakailangan naman nasa edad 18 pataas at hindi bababa sa 50 kilograms ang bigat para makasali sa karera.
Makakasali pa rin ang mga underweight, basta lamang ay suot suot nila ang mga pabigat upang maabot ang minimum weight requirement.
Kinoronahang kampyeon sina Teemu Touvinen at Jatta Leinonen ng Finland matapos makagawa ng bilis na 1 minute at 45 seconds.
Kanilang napanalunan ang isan barrel ng local ale.








