Mga kabombo! Isa ka rin bang Demon slayer fan? Isang on-going anime na may tragic story. Isa ka rin ba sa naghahangad ng happy ending sa dalawang karakter na sina Obanai at Mitsuri?

Naantig ang mga anime fans sa kasalang isinagawa sa Mexico dahil binigyan buhay ng magkasintahan ang kahilingan ng mga Obanai-Mitsuri shippers.

Ikinasal ang dalawang magkasintahan na kilala bilang sina Mimariin at Narcissa sa Mexico habang nakabihis bilang sina Mitsuri Kanroji at Obanai Iguro.

--Ads--

Habang suot ang wedding gown, nakasuot naman ang iconic pastel pink at green na wig ni Mitsuri ang bride. Habang signature bandages at stripped haori ni Obanai para kay groom.

Para sa mga fans, hindi ito simpleng kasalan na may halong cosplay bagkus, may mas malalim pa itong kahulugan lalo na sa pagpapakita ng malalim na pagmamahalan.

Nabuo rin kase ang love story nina Mitsuri at Obanai sa admirasyon at pagtanggap sa isa’t isa, perpektong simbolismo umano para sa real-life wedding.

Hiniling ng mga humanga ang kasiyahan at panghabang buhay na pagmamahalan para sa dalawang magkasintahan.

Ang dalawang magkasintahan ay kinahiligan na ang pagcocosplay at samu’t saring anime characters na ang kanilang ginaya.

Samantala, si Mitsuri ay tinaguriang Love Hashira habang Serpent Hashira naman si Obanai, dalawang may mataas na ranggo sa Demon Slayer Corps.

Ang kwento ng Demon Slayer ay tumatakbo naman sa pagpaslang ng Demon Slayer Corps sa mga kalabang Demons upang iligtas ang sangkatauhan.