Tiniyak ng kampo ng beauty queen na si Michelle Dee na gagawin nila ang lahat ng paraan para maaresto ang kontrobersiyal na content creator na si Christian “Xian” Gaza sa sandaling maglabas na ang korte ng arrest wareant laban sa kanyana ngayon ay nasa ibang bansa.
Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Maggie Garduque, maraming paraan para maaresto si Gaza.
Sinampahan si Gaza ng kasong cyber libel sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y mapanirang puring post nito laban kay Dee.
Puwede aniya nilang gamitin ang iba nitong nakabinbing warrant of arrest sa ibang kaso para ipaalarma sa International Police Commission at makapaglabas ng red notice.
Sa pamamagitan ng red notice mula sa Interpol ay mapapadali ang pagtunton at pag-aresto sa kanya.
Matatandaan na naghain ng supplemental affidavit sa NBI ang kampo ni Dee kahapon kaugnay ng reklamo nitong cyber libel.










