Magsasagawa ng National ID registration sa Bayan ng Aguilar, Pangasinan sa Oktubre 15 at 16, 2026 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na magparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Gaganapin ang pagpaparehistro simula alas-8 ng umaga sa BAC Function Hall, ikalawang palapag ng Municipal Building ng Aguilar.

Hinihikayat ang mga nais magparehistro na magdala ng kanilang birth certificate at mga valid ID bilang mga kinakailangang dokumento sa proseso ng pagpaparehistro.

--Ads--

Maaari ring iparehistro ang mga batang edad isa hanggang apat na taon, subalit kinakailangang kasama nila ang kanilang magulang o legal na tagapag-alaga.

Pinapayuhan ang mga residente na samantalahin ang nakatakdang registration upang maisagawa ang kanilang pagpaparehistro para sa National ID.