Nabigo ang Pangasinan Asinderos na maagaw ang panalo sa Game 1 ng National Basketball League (NBL) Pilipinas Governors Cup Season 2026 Finals matapos yumuko sa Tikas Kapampangan, 111-104, sa pamamagitan ng double overtime sa Pampanga.
Pinangunahan ni Lhancer Angelo Khan ang opensa ng Tikas Kapampangan matapos magtala ng 17 puntos upang makuha ang Best Player of the Game award at tulungan ang koponan na maidepensa ang home court.
Nanguna naman sa Asinderos si Renon na may 26 puntos, sinundan ni Sansano na may 19 at Sarmiento na may 16. Nag-ambag din si Papa ng 10 puntos, ngunit hindi ito naging sapat upang maitala ng Pangasinan ang panalo sa unang laro ng kampeonato.
Sa kabila ng pagkatalo, may pagkakataon pang bumawi ang Asinderos sa mga susunod na laro ng serye habang hangad ng Tikas Kapampangan na mapanatili ang kalamangan sa kanilang pagtutuos para sa korona ng NBL Pilipinas Governors Cup.










