Nakapagtala ng world record ang pagmamahal ng isang babae mula Australia sa hilig nitong pagkolekta ng mga Shopkins toys.

Ang Shopkins toys ay collectible miniature figures na gawa ng Moose Toys na dinesenyo para magmukhang mga shopping items.

Nakapagkolekta lang naman si Alexa Szerstuk ng Mareeba, Queensland ng umaabot na 2,656 collectible items.

--Ads--

Aniya, nagsimula ang kaniyang pagmamahal sa koleksyon nang magdala ang kaniyang kaklase ng naturang laruan noong siya ay 7 taon gulang pa lamang.

Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 2,656 unique items ngunit kung bibilangin ang kalahatan nito, kabilang ang mga doubles, umaabot ito ng higit 4,000.

Tinalo niya ang rekord ni Rhianna Connors noong 2019 na may 2,271 bilang.