Nakatakda ang Confirmation of Charges Hearing ng ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang confirmation of charges hearing ng International Criminal Court laban kay Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga noong siya ay pangulo mula 2016 hanggang 2022.

Ilang araw bago ang pagdinig, nagtipon ang mga tagasuporta ni Duterte sa labas ng detention facility ng ICC sa The Hague, Netherlands kung saan nagsagawa sila ng simpleng salu-salo at nagdala ng karton na standee bilang pagpapakita ng suporta.

--Ads--

Samantala, hindi pinayagan ng ICC ang anumang pagbisita ng pamilya kay Duterte habang isinasagawa ang mga pagdinig.

Inilabas din ng kanyang kampo ang listahan ng mga abogadong dadalo sa hearing upang matiyak na siya ay maayos na kinakatawan ng isang Filipino legal team.

Kapag pinayagan ng hukuman ang pagpapatuloy ng kaso matapos ang pagdinig, saka pa lamang sisimulan ang pormal na paglilitis.