Dagupan City – Mas pinatibay ng mga Lokal na Pamahalaan ng Manaoag at Calasiao ang kanilang ugnayan laban sa ilegal na droga matapos pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA).
Sa pamamagitan ng kasunduang ito na pinangunahan ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” B. Rosario, pinahihintulutan ang LGU Calasiao na gamitin ang Balay Silangan Reformation Facility ng Manaoag bilang bahagi ng kanilang mga programa at inisyatibo sa pagpuksa sa droga.
Bago ang opisyal na pirmahan, ibinahagi sa kaganapan ang mga tagumpay at hakbang ng Manaoag na nag-akay sa bayan upang makamit ang 100% drug-cleared status.
Ipinakita ng nasabing pakikipagtulungan ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga kalapit na bayan upang mapalakas ang rehabilitasyon at mapanatili ang mga pamayanan na malaya sa banta ng ilegal na droga.










