Parang nawalan ng isang tatay kung maituturing ni Eva Chan Visperas, malapit na kaibigan ng pamilya De Venecia, ang pagpanaw ni Former Speaker Jose “JDV” de Venecia Jr. sa edad na 89, dahil sa komplikasyon ang nag-iisang 5-term Speaker of the House of Representatives sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon kay Visperas, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan higit sa dalawampung taon na nakasama lalo na sa mga mahahalagang event ang pamilya De Venecia simula sa ama at asawa hanggang sa anak nito.

Tuwing kaarawan ni JDV, palagi siyang iniimbitahan, kasama ang ilang kaibigan sa media, upang makiisa sa selebrasyon.

--Ads--

Bagama’t hindi tulad ng dati, na puno ng enerhiya at sigla si JDV, mas pinahahalagahan na niya ang presensya ng mga mahal sa buhay.

Kaya’t kahit na may traffic sa Maynila, talagang nagtutungo siya upang ipagdiwang ang kaarawan nito.

Hanga siya sa husay nito sa pagsasalita at sa kakayahang mamagitan sa mga isyu.

Saad niya ngayon lang siya nakakita ng ganitong politiko.

Noong itinatag ang De Venecia Museum, kung saan ipinakita kung paano kinilala ang kontribusyon niya sa bansa, ay labis na nagalak si Visperas na naipatayo ang museo bago pumanaw si JDV.

Ani Visperas bagamat siya ay namayapa man, iniwan naman nito ang pamana ng serbisyo publiko, dedikasyon, at pagmamalasakit sa kapwa.