Dagupan City – Iginagawad ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang ang Matalunggaring Awards bilang pinakamataas na pagkilala sa mga taga Bayambang na may pambihirang ambag at husay sa kani-kanilang larangan.
Ang salitang “matalunggaring” ay mula sa wikang Pangasinan na tumutukoy sa pagkakaroon ng angking kahusayan at pagiging namumukod-tangi.
Inilunsad ang parangal mula noong 2017 at iniyak na malaya sa impluwensiyang pulitikal ang pagkilalang ito dahil pawang mga third party ang bumubuo sa Selection Committee.
Kalaunan, isinabatas ang Matalunggaring Awards sa pamamagitan ng ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang na inaprubahan naman ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Mula 2018 hanggang 2025, 61 indibidwal na ang ginawaran ng naturang parangal sa loob ng walong taon.
Hinikayat ang publiko na magmungkahi ng mga karapat-dapat na indibidwal sa pamamagitan ng pagkuha ng nomination form sa tanggapan ng Sangguniang Bayan Secretary.
Ang mga impormasyong isusumite at kaukulang dokumento ang magiging batayan ng Selection Committee sa pagpili ng susunod na batch ng mga pararangalan na kikilalanin sa nalalapit na kapistahan ng bayan.










