Pinangunahan ni Governor Ramon V Guico III kasama ang mga Regional Officials ng Department of Agriculture, LGU Bolinao at mga stake holders ang groundbreaking ng Pangasinan Bangus Breeding and Hatchery Project sa Provincial Agriculture Bolinao Field Station, brgy Arnedo, Bolinao, Pangasinan.

Ang Pangasinan Bangus Breeding and Hatchery sa ilalim ng Philippine Rural Development Project Scale Up, ang kauna-unahang proyekto sa bansa, isang scientifically based project sa pagpaparami at pagpapalago ng suplay ng semilya ng Bangus.

Layunin sa ipapatayong proyekto na makapag produce ng 100,783,200 na bangus fry at 48,048,000 na bangus larvae kada taon. Ibabahagi sa mga kooperatiba ng mga mangingisda at kanilang mga asosasyon ang 60 porsyentong produksyon, 30 porsysento sa mga bangus nursery operators at 10 porsyento para sa mga mangingisdang posibleng maapektuhan ng mga kalamidad.

--Ads--

Makikinabang dito ang labimpitong bayan ng lalawigan, kabilang ang Bolinao, Anda, Agno, Bani, Alaminos City, Infanta, Dasol, Sual, Labrador, Bugallon, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Mangaldan, San Fabian, Calasiao at San Carlos City.

Matapos ang apat na taong masusing pag-aaral at pag-aayos ng mga kaukulang mga permit mula sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan partikular ng- DA BFAR,DENR, DPWH katuwang ang lalawigan ng Pangasinan, Provincial Agriculture Office, LGU Bolinao at mga stakeholder, itatayo ang breeding and hatchery facility sa first quarter ng 2026.

Ang Pangasinan ang top producer at pangunahing pinanggagalingan ng kilalang malinamnam na bangus sa bansa kung kayat nakuha ng lalawigan noong November 6, 2023 ang approval ng DA sa pangunguna ni Secretary Francisco Tiu Laurel para sa mapondohan ito sa ilalim ng New World Bank – funded projects ng DA na may pondong 238.9 milyong piso, sampung porsyento dito ang counterpart ng lalawigan na aabot sa 23,899,200 pesos, gayundin ang Department of Agriculture na may counterpart na 23,899,200 pesos.

Ang proyektong ito ang isa sa mga pangunahing itinulak ni Governor Guico para matulungan ang mga mangingisda ng Pangasinan at matugunan ang kakulangan ng semilya ng bangus at lalong i-angat ang kabuhayan ng mga mangingisda kasabay ng pag-angat sa industriya ng bangus Pangasinan.

Katuwang sa groundbreaking si VG Mark Lambino, mga Department Heads ng lalawigan sa pangunguna ni Provincial Administrator Manuel Luis Jr, Board Member Nicholi Jan Louie Sison, first Dis BMs Apolonia Bacay at Napoleon Fontelera Jr, dating First Congressman at VM ng Bolinao Noli Celeste, DA RED Fidel Libao, DILG Regl Director Jonathan Paul Leusen Jr, DTI Asst Regl Dir Natalia Dalaten, DAR at DENR Representatives.