Mga kabombo! Isa ba kayo sa mga tinatawag nilang “early bird”?

Ang katagang “The early bird, catches the worm” ay isang magandang bagay para sa karamihan.

Ngunit paano na lamang kung ito pala ang magiging daan para maalis ka sa trabaho?

--Ads--

Natalo kasi sa kaso ang isang empleyada sa Alicante, Spain matapos niyang idemanda ang kanyang employer dahil sa unfair dismissal.

Ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal: ang paulit-ulit na pagpasok nang “masyadong maaga” sa trabaho.

Ayon sa ulat, nakaugalian ng babae na pumasok sa opisina ng 6:45 ng umaga, kahit na 7:30 pa ang opisyal na simula ng kanyang shift.

Ikinatwiran ng delivery company na nagdulot ito ng problema dahil wala naman siyang tasks o gagawin sa mga oras na iyon.

Binigyan na siya ng babala noong 2023, ngunit binalewala niya ito at ipinagpatuloy ang nakasanayan.

Dahil dito, tinanggal siya sa puwesto dahil sa “serious misconduct.”

Sa desisyon ng korte, pumanig ito sa employer. Ayon sa hukuman, ang pagmamatigas ng ­empleyada na sumunod sa oras ay maituturing na “disloyalty,” “breach of trust,” at “disobedience,” na sapat na basehan para siya ay sibakin.