Dagupan City – Aktibong lalahok ang Atom 21 Movement sa nalalapit na Trillion Peso March Movement ngayong Nobyembre 30, ayon kay Secretary General Bien Gonzales, na umaasang magiging matagumpay ang pagtitipon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bien Gonzales, Secretary General ng Atom 21 Movement bilang bahagi ng kanilang paghahanda, isinasagawa nila ang orientation para sa kanilang mga miyembro upang maging maayos ang pakikipag-ugnayan sa Tindig Pilipinas at iba’t ibang grupong lalahok sa malaking rally.
Tiniyak ng grupo na handa sila sa mas pinalawak na koordinasyon habang papalapit ang naturang aktibidad.
Inaasahan ng Atom 21 Movement na doble ang bilang ng makikilahok kumpara sa huling pagkakataon na nagpakita sila ng suporta, at nanawagan ang grupo na makiisa ang publiko na nagnanais dumalo sa isasagawang rally sa araw ng Bonifacio Day.










