DAGUPAN CITY – Nasawi ang isang mag anak sa salpukan ng isang elf truck at pampasaherong bus sa kahabaaan ng barangay Bued, sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PCAPT Godofrey Mercado, operation officer ng Calasiao PNP, bandang ala 11 ng gabi, ang bus ay patungong Dagupan habang ang elf truck freezer van na sakay ang apat na katao ay pauwi sa bayan ng Santa Barbara.
Nag overtake umano ang elf truck sa isang motor hanggang sa bumangga naman ito sa kasalubong na bus.
Dahil dito ay naipit ang mga pasahero at driber ng elf truck na ikinasawi ng driber na si Ray Maure, nasa wastong gulang, kasama ang kanyang live in partner na si Lea Navarro at isa sa dalawang anak nila na pawang menor de edad na kasama nila nang mangyari ang aksidente.
Naitakbo pa ang isa nilang anak sa ospital.
Nasugatan naman ang pitung pasahero ng bus at ang driber nito at agad ding nilapatan ng lunas sa ospital.
Napag alaman na pauwi na sana ang mag anak mula sa pagdeliber ng frozen goods sa Zambales.
Sinabi ni PCAPT Mercado na sa buwan ng September ay tatlo na ang naitalang aksidente sa lugar.
Nakikita ni Mercado na ang dahilan ng aksidente ay minsan dahil sa hindi magandang physical condition ng driber at sa paraan din kung paano mag drive ang driber.