Dagupan City – Nasawi ang isang binata sa bayan ng Manaoag matapos sumalpok ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa isang poste ng street light.
Batay sa ulat ng kapulisan, nangyari ang aksidente sa Brgy. Lelemaan pasado alas siyete ng gabi kung saan nawalan ito ng kontrol sa kanyang sasakyan sa pakurbadang bahagi ng kalsada.
Nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima dahil sa lakas ng impact.
--Ads--
Agad naman itong isinugod ng mga otoridad sa pinakamalapit na pagamutan, subalit nasawi din kalaunan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang eksaktong dahilan ng aksidente.