DAGUPAN CITY- Hindi bababa sa 19 ang nasawi at 164 ang sugatan nang bumagsak ang isang Bangladeshi Air Force training jet sa Milestone School sa Dhaka.
Nagkaroon ng mechanical problem ang F-7 jet matapos umalis sa airbase, ayon sa Armed Forces.
Kabilang sa mga nasawi ang piloto.
--Ads--
Nagresulta ito sa malaking sunog sa dalawang-palapag na gusali ng paaralan.
Mahigit 50 ang dinala sa ospital dahil sa paso. Patuloy ang rescue operations at imbestigasyon sa insidente.