Nahulihan ng nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php13,600.00 ang isang 36-anyos na lalaki sa bayan ng Pozorrubio.

Naaresto ang nasabing indibidwal dahil sa isinagawang buy bust operation sa barangay Tulnac ng mga tauhan ng Pozorrubio Police Station katuwang ang PDEA RO1.

Nakuha dito ang nasa dalawang (2) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu kasama ang iba pang drug paraphernalia.

--Ads--

Dinala naman sa himpilan ng kapulisan ang suspek matapos ang operasyon kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa tamang disposisyon.

Mahaharap sa kasong Violation of Article II, Sections 5 and 11 of RA 9165 ang suspek na inihahanda na ng kapulisan.