Nagtalang record sa kasaysayan ng WNBA ang Golden State Valkyries.

Ito ya matapos na makamit nila ang kauna-unahang kampeonato laban sa Atlanta Dream sa score na 68-63.

Sila lang kasi ang pinakamabilis na expansion team sa mga pangunahing North American sports league gaya ng NBA,WNBA, NHL, MLB at NFL.

--Ads--

Nakasungkit agad ang Valkyries sa loob lamang ng kanilang ikalawang taon.

Naipanalo nila ang 11 sa huling 13 winner-take-all games sa Finals.

Pinaguho ng koponan ang pangarap ng tandem ng dalawang star ng Atlanta na sina Angel Reese at Allisha Gray.

Tinanghal na Most Valuable Player ng laro si Valkyries star Gabby Williams na nagtala ng 30 points kung saan 28 point nito ay mula sa second half.