Mag-ingay, mga Killjoys! Muling babalik ang American alternative rock band na My Chemical Romance sa bansa para sa kanilang konsyerto matapos ang halos dalawang dekada.

Sa kanilang Southeast Asia Tour 2026, nakatakda ang kanilang event sa Philippinr Arena sa Bulacan sa April 25, 2026.

Sa social media post ng MCR, kabilang sa kanilang pupuntahan ay ang South Korea, Thailand, Singapore, Malaysia, at Indonesia.

--Ads--

Huling nag-perform ang My Chemical Romance sa bansa noong 2008, panahon ng pagsikat ng kanilang “Black Parade” era.

Ang nalalapit nilang konserto ay ang kanilang opisyal na pagbabalik sa local stage matapos ang kanilang pagkakahiwalay noong 2013 at 2019 reunion.

Nakilala naman ang banda sa kanilang hit songs na “Welcome to the Black Parade,” “I’m not okay (I promise)”, “Sing”, “I Don’t Love You”, at “Helena”.

Kamakailan lang din nang ilabas nila ang remastered edition ng kanilang 2004 album na “Three Cheers for Sweet Revenge,” featuring ang mga updated mixes at unreleased material.