Magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa unang linggo ng Hulyo, kasunod ng sunud-sunod na dagdag-presyo noong nakaraang linggo.

Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsyo ng Shell, SeaOil, at Caltex na magsisimula sila ng rollback bukas, araw ng Martes:

Gasolina: bawas na ₱1.40 kada litro

--Ads--

Kerosene: bawas na ₱2.20 kada litro

Diesel: bawas na ₱1.80 kada litro

Matatandaan noong Hunyo 24, 26, at 27, nagpatupad ng staggered o paunti-unting pagtaas sa presyo ang mga kumpanya ng langis upang maibsan ang epekto ng halos ₱5 kada litrong dagdag-presyo.

Patuloy naman na mino-monitor ng Department of Energy (DOE) ang galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado upang tiyakin ang patas na presyuhan sa lokal produktong petrolyo.