Dagupan City – Tiniyak ni Calasiao Mayor Patrick Caramat na magkakaroon ng check and balance sa pagitan ng office of the mayor at sangguniang bayan.

Kung mapapansin kasi aniya, lahat ng kaniyang kapartido ay nakapasok sa serbisyo kaya’t siniguro nito na gagampanan nila ang kanilang trabaho at tungkulin sa bayan.

Muli naman nitong binigyang diin na hindi hadlang ang pagiging pinaka-batang alkalde nito sa lalawigan ngayong 2025 Election sa pagbibigay ng serbisyo sa kaniyang nasasakupan.

--Ads--

Sa katunayan aniya, may mga nakatakda na rin siyang proyekto at at lahat ng plantilla position ay kaniyang gagawin.

Matatandaan na nauna nang inanunsyo ni Caramaat na mananatili sa puwesto ang mga kasalukuyang department heads sa bayan upang isulong ang layunin na continuity of service sa pamahalaang bayan.