Aabot sa P6.793 trillion ang nakatakdang ipanukala ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na national budget para sa 2026.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 7.4 percent ngayong 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.326 trillion at 22 percent ng gross domestic products ng bansa.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang unang natanggap nilang proposal ay nasa P10.101 trillion pero kinailangan na magsagawa ng evaluation sa mga programa at proyekto.
--Ads--
Dagdag naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang 2026 national budget ay nakaprioridad ang investments sa quality educations, healthcare at workforce upskilling.
Patuloy ang investment sa Build Better More Infrastructure Program at digital transformation.