DAGUPAN CITY- Maigting ang pagbantay ng mga health experts ngayon panahon ng tag-ulan ang iba’t ibang sakit na maaaring makuha, gaya na lamang ng dengue.

Ayon sa kay Dr. Lea Sanderin, medical specialist ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa isinagawang kapihan sa Ilocos, na anya kahit ang isnag tao ay nagsakit na ng dengue possible pa rin itong mainfect nito kaya naman panatilin pa rin anya ang pag-aalaga sa sarili at ang mga paraan upang maiwasan ito.

Isa sa mga paraan ay paghahanap at pagsira sa mga lugar na pinangingitlugan ng mga ito gaya na lamang sa mga container na o mga lagayan na madaling maipunan ng tubig Lalo na ngayon na madalas ang mga pag-ulan kung saan mas tumataas ang kaso ng dengue.

--Ads--

Pero nilinaw din nito na year round threat ang pagkakaroon ng sakit na dengue Kahit maaraw basta mayroong mga breeding sites na kanilang pangingitlugan.

Kaya malaking halaga ang kalinisan at pagiging aware sa paligid.

Patuloy naman anila ang kanilang kampanya at pagbibigay ng impormasyon sa publiko ukol dito at sa iba pang mga sakit na nakukuha ngayong tag-ulan.