Mahigit limampung tatlong libong tao ang inilikas sa lalawigan ng Hunan sa gitnang bahagi ng Tsina dahil sa matinding pag-ulan.

Inaasahan na makakaranas ng matinding pag-ulan ang ilan pang bahagi ng lalawigan, kung saan ang buhos ng ulan sa ilang lugar ay tinatayang magiging mas matindi.

Ayon pa sa ulat, may mga bahagi ng Hunan na nakaranas ng higit sa 400 milimetro (16 pulgada) ng ulan mula pa noong Miyerkules.

--Ads--

Nagbabala rin ang China Meteorological Administration na ang mga bahagi ng timog at gitnang Tsina ay makararanas ng malalakas na pag-ulan at posibleng banta ng pagbaha sa kabundukan.

Ang babalang ito ay ibinaba ilang araw matapos ang halos 70,000 katao sa katimugang Tsina ay inilikas dulot ng matinding pagbaha na sanhi ng Bagyong Wutip.

Noong nakaraang buwan naman, maraming bahagi ng hilaga at gitnang Tsina ang nakaranas ng matinding init noong Mayo, kung saan pumalo sa higit 40 degrees Celsius ang temperatura sa ilang pangunahing lungsod.