Dagupan City – Isinagawa kamakailan ng pinagsanib na puwersa ng mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas ang isang buy-bust operation sa bayan ng Manaoag.
Nagresulta ito sa pagkumpiska ng tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang Php 340,000.00.
Pinangunahan ito ng Regional Police Drug Enforcement Unit 1, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, Regional Intelligence Division, Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operating Unit 1, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit Pangasinan, at Manaoag Municipal Police Station.
Naaresto dito ang isang 46-taong anyos na lalaki, na kinikilala bilang isang high-value individual at residente ng Manaoag.
Bukod sa nasabat na shabu, nakumpiska rin dito ang mga drug paraphernalia at buy bust money.
Samantala, ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad at mahaharap sa mga kaukulang kaso alinsunod sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng mga kasabwat.