Mga kabombo! Isa ka ba sa mga kinakailangang sumailalim sa root-canal?

Gaano ka nga ba nakasisigurong isang legit-dentist ang dentista mo?

Arestado kasi ngayon ang isang 22-anyos na lalaki at ang kanyang dalawang kamag-anak matapos magpatakbo ng iligal na dental clinic sa loob ng kanilang bahay.

--Ads--

Lumalabas umano sa imbestigasyon, na nagsimula ang operasyon dalawang taon na ang nakalilipas nang buksan nila ang clinic nang walang lisensya.

Ang malala pa, ang ginagamit nila umanong batayan ay ang mga impormasyong na-research online.

Hindi basta-basta, dahil ang isinasagawa nilang opresasyon ay ang mga kumplikadong dental procedures, kabilang ang pagbunot ng ngipin at pag-root canal.

Habang 50-anyos na kamag-anak naman nito ang nagsilbing main suspect na siyang nagbibigay ng anesthesia at naghahanda ng iba pang dental materials gaya ng fillings, impression materials, at cleaning powder.

Ang isa pa nitong 44-anyos na kamag-anak na lalaki ay gumagawa ng prosthetic devices.

Sa loob ng dalawang taon, tinatayang umabot sa apat na milyong Czech koruna (P11.3 milyon) ang kanilang kinita mula sa “klinika.” Dito na nadiskubre na wala ring kamalay-malay ang mga biktima.

Dahil dito, nagpatibay ang parliyamento ng isang batas noong nakaraang taon na nagpapadali sa proseso ng pagkuha ng lisensiya para sa mga dentista mula sa labas ng European Union upang matugunan ang shortage ng dentista sa Czech Republic.