Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mahilig magkape?

To the point na lagi na lang may mainit na tubig ang iyung thermos?

Kung oo, nakasisiguro ka bang nililinisan mo ito ng mabuti?

--Ads--

Isang lalaki kasi mula sa Taiwan ang nasawi matapos tamaan ng matinding lead poisoning, na pinaniniwalaang nag-ugat sa dekada niyang paggamit ng kalawanging thermos para sa kanyang inumin araw-araw.

Ayon sa ulat, kahit pa bakas na kasi ang mga kalawang at malinaw na pag­kasira ng thermos ay binaliwala niya ito at hindi pinalitan.

Patuloy niya itong nilalagyan ng mga acidic na inumin gaya ng kape, tsaa, at juice.

Hanggang sa matapos ang 10 taon ng ganitong gawain, unti-unting naipon sa kanyang katawan ang lason mula sa kalawang at heavy metals tulad ng lead.

Dahil dito, nagsimula siyang makaramdam ng hindi maipaliwanag na karamdaman, at nang magpakunsulta sa ospital, natuklasang mayroon na siyang lead poisoning at malubhang impeksyon sa baga.

Ngunit sa kabila ng isinagawang gamutan, lalong humina ang kanyang resistensya at tumindi ang kumplikasyon ng pulmonya, dahilan upang siya ay mamatay makalipas ang isang taon mula nang ma-diagnose.

Paliwanag ng mga doktor na ang matagalang paggamit ng lumang thermos, lalo na kapag ginagamit sa maiinit o acidic na inumin, ay nagdudulot ng unti-unting pag-leak ng heavy metals gaya ng lead, na maaaring magdulot ng pinsala sa atay, bato, nervous system, at magpahina ng immune system.

Napag-alaman din ng mga eksperto na sa paggawa ng mga thermos at vacuum flask, kadalasang ginagamit ang lead bilang sealing material dahil ito ay mura at matibay.

Ngunit kapag nasira o nagkaroon ng kalawang, mas tumataas ang tsansa na malusaw at humalo ang lead sa iniinom.