DAGUPAN CITY- Isa ka rin ba sa mga tinaguriang music lover?


Hanggang saan ang kaya mong gawin upang makapag-innovate ng kakaibang bagay sa mundo ng music?

Nakalikha kasi ang mga siyentista mula sa Loughborough University ng pinakamaliit na biyulin sa mundo gamit ang nanotechnology.

--Ads--

Gawa sa platinum, ang violin ay may sukat na 35 microns ang haba at 13 microns ang lapad, mas maliit pa sa buhok ng tao.

Hindi ito makikita ng mata at kailangan pa ng mikroskopyo para masilayan.

Ginawa ito para ipakita ang kakayahan ng bagong teknolohiyang tinatawag na nanolithography, na tumutulong sa paggawa ng sobrang maliliit na bagay.

Pinili ang biyulin bilang biro sa kasabihang “Can you hear the world’s smallest violin playing just for you?” na karaniwang ginagamit sa pagtugon sa sobrang reklamo o drama.

Ayon kay Propesor Kelly Morrison, bagaman tila katuwaan lang, naging daan ito para sa mas malalim na pananaliksik sa larangan ng agham.

Layunin ng proyektong ito na ipakita ang kakayahan ng kanilang bagong nanolithography system, isang teknolohiyang nagpapahintulot sa mga siyentista na bumuo at pag-aralan ang mga bagay na nasa nanoscale.