DAGUPAN CITY- Pansamantalang nakaligtas ang United Kingdom sa desisyong ehekutibo ni US President Donald Trump na doblehin sa 50% ang buwis sa pag-aangkat ng bakal at aluminum, mula sa dating 25%.

Epektibo na ngayong linggo ang mas mataas na buwis para sa mga kumpanya sa Amerika na bumibili ng mga metal mula sa ibang bansa.

Gayunpaman, mananatili sa 25% ang buwis para sa UK, sa ngayon.

--Ads--

Maaaring maapektuhan pa rin ang UK sa hinaharap kung hindi agad maisabatas ang kasunduang nilagdaan nila ng administrasyon ni Trump noong nakaraang buwan.

Ayon sa deal, aalisin na sana ang tariffs sa UK steel at aluminium, ngunit ito ay hindi pa naipatutupad.

Sa kasalukuyan, may umiiral pa ring tariffs sa UK steel na pumapasok sa U.S. market.

Ayon sa pamahalaan ng UK, nais nilang ipatutupad agad ang kasunduan upang alisin na ang mga ito.