DAGUPAN CITY- Itinuturing ang vote buying bilang isa sa pinaka-karaniwang election offense sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril, isang Legal at Political Consultant, karaniwang modus ito ng mga kandidato, kung saan nagbibigay ang mga ito ng ayuda o cash aid kapalit ng pangakong boto.

Aniya, may nangyayaring panunukso sa mga botante gamit ang kanilang kahirapan.

--Ads--

Matatawag din aniya itong election offense ito dahil tinatanggalan nito ng galang ang electoral system.

Dagdag niya, parehong mapanganib ang ganitong gawain para sa kandidato at botante, dahil may kaakibat itong mabigat na parusa sa ilalim ng batas.

Bagama’t hindi pa tapos ang datos ng COMELEC, lumulutang na raw ang narrative na talamak pa rin ang paggamit ng pera sa kampanya.
Paalala naman nito sa publiko na ang pagbebenta at pagbili ng boto ay labag sa batas at may karampatang parusa.