Opisyal nang binuksan ngayong Biyernes, Nobyembre 13, sa World Trade Center Metro Manila ang International Media Center (IMC) upang salubungin ang mga lokal at dayuhang mamamahayag na mag-uulat sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Itinampok sa pagbubukas ang yaman ng turismo, kultura, at sining ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga sadyang inihandang showcase ng bansa sa nasabing pasilidad.
Ibinida ng Department of Tourism (DOT) ang buong karanasan ng Pilipinas sa IMC sa pamamagitan ng mga eksibit ng gastronomy, mga tanyag na destinasyon, tradisyonal na wellness, at lokal na sining at craftsmanship.
Inanyayahan ni Tourism Secretary Dita Angara-Mathay ang mga delegado ng media na hindi lamang tutukan ang mga talakayan kundi damhin din ang kultura ng bansa.
Aniya, ang IMC ay nagsisilbing tulay upang maiparating sa buong mundo ang mahahalagang usapin ng ASEAN habang ipinapakita ang kagandahan ng Pilipinas.
Magsisilbing pangunahing pasilidad sa pagbabalita ang IMC hanggang sa Nobyembre 17 para sa mga akreditadong mamamahayag.










