Pinabulaanan ni Pangasinan 6th district congressional candidate Gilbert Estrella ang mga ibinatong alegasyo ni Rep. Marlyn Primicias-Agabas laban sa kaniya hinggil sa pagkakasangkot umano nito sa kaso ng vote-buying sa lalawigan.

Ayon kay Estrella, malisyoso ang akusasyon na ibinabato sa kaniya at wala itong matibay ebidensya, malinaw na detalye, o di naman ay saksi sa pangyayari.

Giit pa niya na isang desperadong hakbang ang akusasyon upang masabing paninirang puri ito sa politika. Gayundin, sa pagsalba umano sa isang natatalong re-electionist.

--Ads--

Dahil dito ay hinihikayat ng kandidato ang Commission on Elections (Comelec) na agad din ibasura ang nasabing reklamo.

Nararapat lamang din na suriin ng ahensya ang mga inilabas na pahayad ng mambabatas hinggil sa di umano’y vote buying.

Dagdag pa ni Estrella, ang publiko ang nararapat na humusga sa kredibilidad ng naturang akusasyon.