Investigators examine the scene in Osaka where a car ran into several children on May 1. (Emiko Arimoto)

Arestado ng mga kapulisan ng Osaka, Japan ang isang lalaki dahil sa kahina-hinalang pagmamaneho nito ng kaniyang sasakyan at sagasaan ang 7 mga bata na pauwi sa kani-kanilang bahay.

Ayon sa Osaka prefectural police, nahaharap sa kasong attempted murder ang suspek na si Yuki Yazawa, 28 taon gulang at residente ng Tokyo.

Tila problemado ang suspek at sinabi nito sa kapulisan na sawa at napapagod na siya sa lahat kaya niya nagawang sagasaan ang mga bata nang may motibo na pumaslang.

--Ads--

Hindi diretso ang pagmamaneho nito at pagewang-gewang ang sasakyan bago sagasaan ang mga biktima.

Nasa edad 7-8 naman ang mga bata kung saan nasa malubhang kalagayan ang nag-iisang babae habang ang mga 6 na kalalakihang bata ay nagtamo lamang ng galos.