Maglalabas si BTS star Jin ng bagong kanta kasama si K-pop singer Choi Yena sa kanyang second album na “Echo.”
Ibinunyag ang kanilang collaboration sa track list ng album na ipinost ng BigHit Music sa X kamakailan lamang.
May pitong kanta ang “Echo,” kung saan ang lead single ay “Don’t Say You Love Me.” Ang duet naman nila ni Yena na pinamagatang “Loser” ay nasa ikatlong track ng album.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipag-collab si Jin, sa kapwa K-pop idol para sa solo project. Dati na siyang nakipagtambal kay Wendy ng Red Velvet sa kantang “Heart On The Window” mula sa kanyang debut EP na “Happy.”
Si Yena, ay sumikat bilang miyembro ng project girl group na IZ*ONE, na nabuo sa survival show na Produce 48.
Matapos madisband ang grupo noong 2021, nag-solo siya at naglabas ng mga kantang gaya ng “Smiley,” “Good Morning,” at “Nemonemo,” na kadalasang may pop-rock o bubblegum pop na tunog.
Ilalabas ang “Echo” sa Mayo 16.