DAGUPAN CITY- Nasawi ang isang 10-taong gulang na grade 5 student matapos itong malunod sa Angalacan River sa bahagi ng bayan ng San Jacinto.

Ayon kay PCpt Jesus Flores, Deputy Chief of Police ng San Jacinto PNP, nagtungo ang biktima kasama ang mga kaibigan sa Brgy. Pagasa upang maligo sa nasabing ilog.

Ngunit imbes na magsaya at maligo sa ilog, hindi umano nila namalayan na napunta na siya sa malalim na bahagi ng ilog, kaya’t doon na siya nalunod.

--Ads--

Mabilis na tumulong ang mga kawani ng MDDRMO Mangaldan na naroroon sa malapit na lugar at agad dinala ang biktima sa pagamutan. Subalit, idineklarang dead on arrival ang bata sa ospital.

Safety is Everbody’s concern, ito ang patuloy na paalala ng mga otoridad sa publiko, lalo na sa mga menor de edad, na mag-ingat at maging maingat sa pagligo sa ilog upang maiwasan ang mga ganitong insidente.