DAGUPAN CITY- Maaaring mgabigay ng iba’t-ibang epekto sa ating bansa ang pagka aresto kay dating Pangulong Rodrigo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucio Blanco Pitlo III, Foreign Policy and Security Analyst, may mga prosesong paparating sa huling impeachment case ni Vice President Sara Duterte, at mayroon din paparating na midterm elections sa darating na Mayo na maaaring makaapekto sa ICC arrest kay dating Pangulong Duterte.

Aniya, kailangan pang mag-obserba upang makita ang mga gagawing hakbang ukol sa mga masaagaan isyu.

--Ads--

Maaari ring maapeltuhan ang ilang mga kandidatong inidorso ng dating Pangulo, depende sa pulso ng mga tao.

Dagdag niya, magpapatuloy din ang mga hindi maiiwasang legal challenges sa bansa lalo na sa usaping politikal sa bansa.

Kailangin diong matugunan ang ilang mga hakbang na kailangang pagtuunan ng pansin.

Maaari ring magbigay ng negatibong epekto sa reputasyon ng ating bansa, lalo na sa mga investors o mga namumuhunan.

Sa ngayon ay kailangang hintayin at subaybayan ang mga susunod na pangyayari sa ating bansa.