Kinansela ang IAM K-POP Concert na nakatakda sana sa Marso 29, 2025, dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari, ayon sa mga organizer.

Sa isang post sa social media ng IAM LIVE, humingi sila ng paumanhin sa pagkansela ng kaganapan, lalo na sa mga tagahanga na sabik na naghihintay sa inaasahang star-studded na concert.

Subalit tiniyak din ng producer ng event na ang mga nakabili ng ticket ay makakatanggap ng buong refund, at mga detalye ay ilalabas sa lalong madaling panahon.

--Ads--

Bukod dito ay ibinahagi din ng IAM LIVE ang pagnanais na mag-host ng event sa mas magagandang pagkakataon.

Nagkaroon naman ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizens, na may ilan na nadismaya sa pagkansela.