DAGUPAN CITY- Pinapalakas ng Department of Education (DepEd) ang kanilang monitoring sa mga sitwasyon ng mga estudyante sa bansa ngayong nararanasan ang mataas na heat index.
Ayon kay Anna Liza Chan, Assistant Schools Division Superintendent ng SDO Dagupan City, layunin ng DepEd na masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral habang patuloy ang kanilang pag-aaral sa ilalim ng matinding init ng panahon.
kung saan ayon sa inilabas na DepEd Order No. 22, Series 2024, inaatasan ang mga paaralan na palakasin ang monitoring sa epekto ng tumataas na temperatura ng panahon sa mga mag-aaral.
Dahil naniniwala sila na ang mainit na panahon ay maaaring makaapekto sa konsentrasyon ng mga estudyante, kaya’t kinakailangan ng masusing pagbabantay.
Dagdag pa ni Chan, ang mga school heads ay naabisuhan na hinggil sa bagong direktiba at inihanda na rin nila ang mga alternatibong hakbang tulad ng modular classes upang matuloy ang pag aaral ng mga estudyante sakali mang i-suspinde ang klase dahil sa init ng panahon.
Inaasahan din ang patuloy na koordinasyon ng mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
Samantala, ilang mga paaralan sa lalawigan ng Pangasinan ang nagsuspende ng klase bilang pag-iingat sa epekto ng matinding init. Nagbigay rin ng paalala ang DEPED na kahit hindi muna magsuot ng uniform ang mga estudyante dahil pinapayagan muna ang mga mag aaral na magsuot ng mga estudyante komportableng damit upang maibsan ang init na nararamdaman sa klase.