DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagtaas sa kaso ng dengue hindi lamang sa rehiyon uno ngunit maging sa buong bansa ayon sa Department of Health Region 1.
Sa isinagawang Kapihan sa Ilocos, inihayag ni Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng tanggapan sa pinakabagong tala nitong Pebrero 15 ay nakapagtala na ng 884 na kaso ng dengue sa rehiyon kung saan ang probinsya ng Pangasinan ang may mataas na bilang na 447 at ang Lungsod ng Dagupan naman ay nakapagtala ng 56 na kaso.
Nakapagtala rin ang probinsya ng La Union ay 176, Ilocos Sur ay 134 at sa Ilocos Norte ay 71 na bilang ang kaso ng dengue.
Aniya, kung ikukupampara sa kaparehong panahon ay tumaas ng 100% o domoble ang mga kaso ng dengue sa rehiyon.
Panawagan naman nito sa publiko na kapag nararamadaman na ang mga sintomas ng sakit na dengue ay mas mainam ang maagang pagpapakunsolta sa hospital upang maagapan ito at nakahanda rin ang mga fast lane upang bigyang prayoridad ang mga may sakit na dengue.